Friday, September 2, 2011

Can the Philippines Ever Move On?

Isipin na lang natin ang mga buhay na maisasalba sa mga hanay ng sandatahang lakas natin kung wala nang nanggugulo na "private army" ng mga komunista. Idagdag pa natin dito yung matitipid natin sa defense budget ng Pilipinas para naman mapondohan natin ng maayos yung kagamitan ng mga sundalo natin laban sa paninindak ng ibang mga bansa tulad ng Tsina. Paano ba naman tayo maituturing na "developing economy" kung sa sarili nating lupa hindi pa buo ang pamamayani ng pamahaalaan nating siyang itinakda ng konstitusyon, dahil nga nanggugulo pa ang mga sagarang tiga-kaliwa. Hindi nga raw tayo "emerging market", "frontier market" pa rin ang klasipikasyon natin dahil laging may nakaabang na manggugulo sa kaayusan ng pamamahala. Ano nga bang "utopian society" ang pinaglalaban ng mga komunista? Kahit nga yung Tsina, ang huwarang kabisera ng Komunismo eh mina-obra yung ekonomiya nila para maging kapitalista. At ang pagkapagitan ng mga mayayaman at mahihirap na mga mamamayan ng Tsina ay lumalawak na din, pero itinuturing pa rin silang progresibo at lumalagong ekonomiya. Sadyang ganun talaga ang ekonomiks. Dahil nga limitado ang kayamanan sa mundo at dapat lang ibahagi ito sa pinakamaayos at nararapat na paraan. Sabi nga ni Hesus, The poor you will always have with you, but you will not always have me. (Matthew 26:11). Dapat lang naman na maging makatao at mapagmalasakit ang lipunan natin pero hindi ito mangyayari kung nahahati ang mga Pilipino sa tipo ng pulitika o sistema na dapat pairalin sa bansa natin. Ang lagay nito ay mag-iikutan na lang tayo sa habang panahon. Wala tayong Hesus na siyang magiging tagapamagitan sa nagbabanggaang mga panig pag dating sa mga paniniwalang pulitikal at ideyalismo. Ano nga ba talaga ang ipinaglalaban ng tropang Komunista dito? Ito ba ay ang para sa ikabubuti ng mga mahihirap sa lipunan (na alam naman nating hindi mauubusan kahit ilang henerasyon pa ang makaraan) o ang kapangyarihan na mamuno tulad ni Mao Zedong na siyang nagsulong ng "cultural revolution" sa Tsina na siyang nagpabigat lamang sa kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa niya noong mga dekadang 1960's hanggang 70's? Dahil nga ba maliit na ang tsansa na mahimok nila ang mga Pilipino na paboran ang Komunismo ay pilit nila na lang sinasabotahe at ginagawang miserable ang kaayusan at katahimikan ng ating bansa? Bagama't maraming mga magugulang at elitista sa ating lipunan, na siyang rason kaya nakakalamang sila sa mga mahihirap, marami ring nagsusumikap. Sa katotohanan tayu-tayo rin lang naman ang humuhubog sa klase ng lipunan na ating kinamumulatan. Mula sa mga tagilid na mga police, hukom, mga kongresistang mahilig mamera hanggang sa mga masisiba at walang paki-alam na tsuper ng jeep na padura dura pa at tapon lang ng tapon ng sigarilyo at basura sa kalye, mga padyak boys na counter-flow ng counter flow sa mga kalsada, mga taxi driver na walang paki-alam sa stoplight at mga guhit ng kalsada, mga rapist na pari, mga mayayabang at insekyur na mga tao, mga magnanakaw, holdaper, mansasalisi, mga dugo-dugo at karnaper. Sino nga ba inosente dito?

All compositions, statements and opinions of the author are copyright © Earl T. Malvar 2009-2010. All rights reserved. There is no honor, respect, admiration, intellectual and academic dignity garnered through plagiarism.

No comments:

Post a Comment